Hindi naman saklaw sa ibinabang memorandum ang mga kawani sa mga opisina ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Social Welfare and Development Office at Task Force Lingkod Cagayan na mahalaga ang tungkulin ngayong may bagyo.
Sa bayan naman ng Allacapan ay dineklara ni Mayor Harry D. Florida na walang pasok simula bukas Hulyo 25 hanggang Hulyo 26 ang lahat ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan maliban sa mga kawani na nagbibigay ng kinakailangang serbisyo sa panahon ng sakuna.
Batay sa Executive Order No. 35 series of 2023, kinansela ng alkalde ang pasok upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa at maiwasan ang anumang kapahamakan laban sa posibleng maging epekto ng bagyong Egay.
Sa bayan naman ng Enrile ay kanselado na rin ang iba’t ibang outdoor activities kaugnay sa pagdiriwang ng naturang bayan ng Peanut Festival. Ilan dito ay ang football, futsal, sepak takraw, basketball, volleyball at ang Agri-Skills Competition.
Ipinagpaliban na rin ng Lokal na Pamahalaan ng Gattaran ang pagsusulit para sa mga mag-aaral na gustong maging iskolar ng naturang bayan.
Nagpatupad naman ng liquor ban ang Lokal na Pamahalaan ng Solana ngayong araw. Sa Executive Order na ibinababa ni Mayor Jennalyn Carag, suspendido na rin ang mga pasok sa Pamahalaang Bayan simula kaninang 3:30 ng hapon.