No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kontribusyon ng 39IB sa pagsusulong ng kapayapaan sa Makilala, kinilala ng lokal na pamahalaan

MAKILALA, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Kinilala ng lokal na pamahalaan ng Makilala, Cotabato ang mga inisyatibo ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army na may kaugnayan sa pagsusulong ng kapayapaan at paglaban sa insurhensya sa bayan.

Nitong Lunes, pinangunahan ni Vice-mayor Ryan Tabanay ang pag-abot ng token of appreciation kay Lt.Col. Ezra Balagtey, commanding officer ng 39IB, kasabay ng pagsaludo sa kontribusyon ng kasundaluhan sa pagsusulong ng isang insurgency-free municipality.

Ayon kay Tabanay, malaki ang naitulong ng 39IB, katuwang ang iba pang opisina ng pamahalaan, sa pagtataguyod ng whole-of-nation approach hindi lamang upang maisulong ang kapayapaan kundi upang mapalakas ang ekonomiya ng munisipalidad.

Nabatid na sa pamamagitan ng Community Support Program ng kasundaluhan ay nabuwag kamakailan ang Guerilla Front Alip ng Far South Mindanao Region at ang Pulang Bagani Command ng Southern Mindanao Regional Committee ng New People’s Army.

Kaugnay nito, idineklara ang Makilala bilang insurgency-free municipality sa pamamagitan ng nilagdaang Municipal Peace and Order Council Resolution No. 306 noong Abril 12 ngayong taon.

Sa kabilang banda, may bago nang company commander ang Bravo Company ng 3IB.

Ito ay sa katauhan ni 1Lt. Alejandro Baliaga na dating Company Executive Officer ng Bravo Company. Pinalitan niya si 1Lt. Charles Ian Parel na inilipat naman sa headquarters ng 39IB.

Sakop ng operasyon ng Bravo Company ang bayan ng Makilala at lungsod ng Kidapawan. (With reports from 39IB)



About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch