No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Luzon Leg ng HANDA PILIPINAS, bukas na sa publiko

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Pormal na binuksan sa publiko ngayon Huwebes (Hulyo 27) ang Luzon Leg ng HANDA Pilipinas: Innovations for Disaster Risk Reduction and Management 2023 na may temang “Risk Reduction in Mega Cities”.

Layunin ng exhibit na maipakita at maipaliwanag sa publiko ang mga kagamitan at ang mga paghahanda na isinasagawa ng bawat institusyon na may kinalaman sa paghahanda sa mga sakuna at kalamidad.

Kabilang sa tampok sa exhibit ang mga kagamitan ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na may kinalaman sa pagresponde at paghahanda sa anumang mga sakuna o kalamidad, agarang atensyong medikal at iba pang mga insidente.

Ito’y kuinabibilangan ng mga weather cameras, mga aparatos sa pagresponde ng mga sunog at mga advance medical equipments gaya ng ZOLL Semi-Automatic External Defibrillator, Resuscitation System, LUF 60, Water Filtration at iba pa.

Ang HANDA Pilipinas: Innovations for Disaster Risk Reduction and Management 2023, Luzon Leg ay proyekto at pinagngunahan ng Department of Science & Technology (DOST)na isinasagawa bilang pakikiisa sa National Disaster Resilience Month na may temang ''BIDANG Pilipino: Building a Stronger Filipino Well-being towards Disaster Resilience''.

Ginaganap s and exhibit sa World Trade Center, Diosdado Macapagal Blvd., Lungsod ng Pasay. Bukas ito sa publiko mula ngayong Huwebes, Hulyo 27, 2023 hanggang sa Sabado, Hulyo 29, 2023. (pia-ncr)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch