No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tema sa Buwan ng Wika 2023, sumasalamin sa pagiging linguistically diversed ng Pilipinas

(Photo credit: KWF) 

LUNGSOD QUEZON (PIA) - Inilahad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang tema ng selebrasyon ng Buwan ng Wika para sa taong ito sa isang ginanap na press conference sa Philippine Information Agency sa Lungsod Quezon, Huwebes, Hulyo 27.

Ang tema: “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”

Paliwanag ng Komisyon na ang bahagi ng tema ay sumasalamin sa katotohanang ang Pilipinas ay linguistically diversed.

Sa kasalukuyang datos ng KWF, nasa 134 ang bilang ng mga wika sa bansa kasama ang Filipino Sign Language (FSL)

Ang Filipino at mga katutubong wika rin ay nagsisilbing instrumento sa pagtaguyod ng kapayapaan, seguridad, at ingklusibong katarungang panlipunan.

Ayon kay Atty. Marites Barrios-Taran, Direktor Heneral ng KWF, ang pagkilala sa iba’t ibang wika sa bansa ay mahalaga sa pagbubuklod-buklod ng bawat Pilipino tungo sa mapayapa, ligtas at ingklusibong lipunan.  

Ito po ang isang elemento na nagbubuklod sa mga tao, isang instrumento ng kapayapaan,” sinabi niya.

Ang lahat ng elemento ng pamahalaan ay dapat ginagamit upang mapaunlad ang welfare ng bawat isa,” dagdag ng Direktor Heneral.

Ang latin na “salus populi est, suprema lex” ay isa rin sa naging inspirasyon ng Komisyon sa paglikha ng nasabing tema, na ang ibig sabihin ay ang kapakanan o boses ng tao ang siyang pinakamataas na batas.

Ilan sa mga aasahang aktibidad sa pagdiriwang ay ilang serye ng webinar, paglulunsad ng mga publikasyon o 'book fair', pagpaparangal sa mga piling indibidwal at organisasyon na nagpakita ng pagtangkilik sa wikang Filipino at iba pa.

Para sa karagdagang kalamaan sa Buwan ng Wika 2023, bisitahin ang Komisyon sa Wikang Filipino Facebook page: https://www.facebook.com/komfilgov. (PIA-NCR)

About the Author

Jumalynne Doctolero

Information Officer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch