No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ako Bicol partylist namahagi ng ayuda sa evacuees sa Albay

LUNGSOD NG LEGAZPI (PIA) -- Naibsan ang kalungkutan ng mga Albayanon na umiwas sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon att pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers  dahil  sa mga ayuda at psychosocial activities at entertainment shows na hinandog sa kanila ng Ako Bicol partylist at ng tanyag na TV  host at actor na si Willy Revillame.

Bukod sa relief food packs ng Ako Bicol partylist para sa apat na mga pangunahing lugar sa Albay, higit na pinasaya ang libu-libong evacuees sa pagbisita ni Revillame.

Kabilang sa mga pinuntahan ng Ako Bicol ay ang Gabawan Evacuation center, San Andres Sto.Domingo evacuation center, Bariw evacuation center at San Antonio Covered court para sa mga evacuees ng lungsod ng Tabaco.

Maliban sa mahigit dalawang libong relief food packs, nagpaabot ng 100,000 pesos si Willy  Revillame bilang ayuda sa bawat lugar na kanilang pinuntahan kasama ang naturang mga Partylist representatives.

Nagpalaro din ang game host na si Willy Revillame at namigay ng jacket, nagpalaro ng hephep horray, nagbigay regalo sa mga matatanda at mga nanay na may dalang mga sanggol o anak.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng mga nabenepisyuhan ng naturang pamumudmud ng ayuda sa mga binisitang lugar sa Albay.

Sa ngayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology Mayon Volcano Observatory sa lungsod ng Legazpi, patuloy na inirerekomenda ang pagbabawal sa pagpasok sa 6-kilometer permanent danger zone.

Nagpapatuloy pa rin ang pagdausdos ng mga lava mula sa bunganga ng bulkan.(MBAtun/PIA 5)

About the Author

Marlon Atun

Writer

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch