No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagpapalawak ng daungan sa Matnog port, tiniyak ng DOTr kay Sorsogon Governor Edwin Hamor

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)--Siniguro ng DOTr na paglalaanan ng pondo ang Matnog Port para sa expansion nito.

Ito ang naging buod ng naging resulta ng pakikipagpulong ni Gobernador Edwin "Boboy" Hamor kay Department of Transportation (DOTR) Secretary Jaime Bautista kamakailan.

Ayon sa ipinalabas na impormasyon ng SPIO, napagusapan ng mga opisyal ang pagpapalawak pa ng daungan sa bayan ng Matnog.

Ang pulong ay ginanap sa tanggapan ng DOTR, kung saan nag-usap ang mga opisyal upang makahanap ng pangmatagalang solusyon sa problema sa congestion na Matnog port.


Photo via Sorsogon Provincial Information Office fb page

Binigyang-diin ni Hamor ang mahalagang papel ng daungan sa komersyo at kalakalan papunta at mula sa Visayas at Mindanao.

Nagpahayag naman ng suporta si Secretary Bautista para sa proyektong magpapalawak sa Matnog Port.

Pagtitiyak ni Bautista kay Hamor na tutulong ang DOTR sa pagtugon sa isyu ng congestion sa Matnog port sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo mula sa Philippine Ports Authority (PPA) para sa pantalan.

Ipinaabot din ni Bautista ang kanyang pasasalamat kay Hamor dahil sa proactive approach nito sa pagharap sa problema sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Blue Lane policy.

Samantala, umaasa naman ang publiko sa madaliang pag-usad ng proyekto. Anya, ang pagtutulungan at pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan at ibat ibang ahensya ng pamahalaan ay magdadala ng mas mahusay at produktibong daungan ng Matnog sa hinaharap.

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch