No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

ZamboSur gov't tumulong sa mga estudyanteng apektado ng JHCSC offsite campus shutdown

ZAMBOANGA DEL SUR 02 Agosto (PIA) - Bilang tugon sa kamakailang pagsasara ng mga offsite campus ng J.H. Cerilles State College (JHCSC) dahil sa hindi pagkakaroon ng Certificate of Program Compliance (COPC) mula sa Commission on Higher Education (CHED), ang pamahalaan ng probinsya dito ay nagbigay ng tulong at suporta mula sa gobyerno para sa mga apektadong mag-aaral.

Nagsagawa ng hakbang si Gobernador Victor Yu, kasama ang mga Kongresistang Divina Grace Yu at Victoria Yu, upang matiyak na hindi maiiwang stranded ang mahigit na 2,000 na apektadong mag-aaral. Nangako ang mga opisyal na maglaan ng P15,000 na travel allowance upang matulungan ang mga mag-aaral na maglipat sa iba't ibang alternatibong campus sa loob ng probinsya. Magiging bukas ang allowance sa mga kwalipikadong mag-aaral mula second year hanggang fourth year.

Ang hindi inaasahang pagsasara ng mga offsite campus ng JHCSC ay sanhi ng matagal na pagpapatakbo ng kolehiyo nang hindi nakakuha ng kinakailangang COPC mula sa CHED. Ipinahayag ito ni Venus Avenido, isang dating Faculty Trustee at Federated Faculty and Staff Association President (2018-2022) ng JHCSC.

Ang COPC ay isang mahalagang pagkilala na nagpapatunay na ang partikular na mga degree programs na inaalok ng mga State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs) ay lubusang sumusunod sa mga patakaran, pamantayan, at mga alituntunin ng CHED.

Kinumpirma din ang pagsasara ng CHED Commissioner na si Jo Mark Libre at ng CHED Regional Director na si Rody Garcia sa isang Stakeholders Consultative Meeting na ginanap noong Hulyo 29, 2023. Nilinaw na ang COPC requirement ay mandato ng Republic Act 10931, na kilala rin bilang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na naging batas noong Agosto 18, 2017.

Ipinaliwanag ni Avenido na ginawa ng JHCSC bilang isang responsable na institusyon ng edukasyon ang mga pagsisikap upang masunod ang mga regulasyon ng CHED. Gayunpaman, dahil sa mahabang pagpapatakbo ng mga offsite classes, hindi sila nakapagpatigil ng kanilang mga aktibidad upang makuha ang kinakailangang COPC.

Ibinahagi ni Jesus Tan Jr., isang concerned na indibidwal sa Facebook, ang kanyang saloobin hinggil sa isyu, na nagsasabing: "Hopefully ang current administration mangita ug paagi unsaon pag continue sa aning sistema, that is, mag comply sa needed requirements para mapadayun ang operation sa offsite campuses (Sana ay mahanap ng kasalukuyang administrasyon ang paraan kung paano itutuloy ang sistemang ito, na isang paraan nito ay ang pagsunod sa kinakailangang mga patakaran upang magpatuloy ang operasyon ng mga offsite campus)" (RVC/HTB/PIA9-Zamboanga del Sur/na may mga ulat mula sa Victory Zamboanga del Sur)

About the Author

Harvy Bangayan

Information Officer

Region 9

Harvy T. Bangayan earned his Bachelor's degree in Computer Science at the Western Mindanao State University (WMSU) and is now pursuing his Master's degree in Public Administration at the same institution. A music lover, he now writes news in Zamboanga del Sur and manages the PIA Zamboanga del Sur Facebook page.

Feedback / Comment

Get in touch