No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga self-employed sa Quezon, hinikayat na magpa-miyembro sa SSS

LUCENA CITY (PIA) — Hinihikayat ng Social Security System (SSS) ang mga self-employed sa lalawigan ng Quezon na magpa-miyembro sa kanilang ahensiya para makatanggap ng mga karampatang benepisyo.

Sa programang Kapihan sa PIA Quezon kamakailan, ipinaliwanag ni Carlo Villacorta, concurrent head ng SSS public affairs and special events division, na mas mainam na mag-miyembro bilang ‘self-employed’ ang mga drayber, mangingisda, magsasaka, at iba pa na nag-tatrabaho ng walang employer upang makakuha ng maraming benepisyo.

Ayon pa kay Villacorta,  ang mga benepisyo na maaaring makuha mula sa SSS ay salary loan, sickness, disability, funeral at death benefits.

“May aasahan pang monthly pension ang isang kasapi ng SSS pagdating ng 60 taong gulang,’” sabi pa ni Villacorta

Nararapat lamang na makapagbayad ng 10 taon ang isang kasapi sa SSS bago makatanggap ng buwanang pension.

Samantala, sinabi rin ni Villacorta na ang mga dating empleyado mula sa pribadong tanggapan na  miyembro ng SSS at may kontribusyon sa SSS na  nahinto ang pagbabayad dahil lumipat sa tanggapan ng gobyerno ay maaari ding magpatuloy ng pagbabayad sa SSS upang makatanggap din ng benepisyo mula sa SSS. (Ruel Orinday-PIA Quezon)

About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch