No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagpapalapad ng kalsada, natapos na ng DPWH sa Puerto Princesa

LUNGSOD PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) - Palawan 3rd District Engineering Office ang pagpapalawak ng kalsada na bahagi ng kahabaan ng Puerto Princesa City North Road.

Ito ay ang Kilometer 0047+953 hanggang Kilometer 0050+000 sa Brgy. Maruyogon kung saan mula sa anim na metro na lapad ng nasa dalawang kilometrong kalsada ay nadagdagan ito at naging 18.4 metro na ngayon.

Makikita sa larawan ang dalawang kilometrong pinalapad na kalsada sa Brgy. Maruyogon na bahagi ng Puerto Princesa North Road. (Larawan mula sa DPWH-MIMAROPA)

Ayon sa DPWH- Palawan 3rd District Engineering Office, sa pagkaka-kumpleto ng nabanggit na proyekto, ang oras ng paglalakbay mula sa lungsod patungo sa hilagang munisipalidad ay inaasahang mapapabuti at mapapabilis. Gayundin ang paghahatid ng mga produkto at serbisyo.

Inaasahan din na maiiwasan na ang mga aksidente o banggaan sa kalsada ng mga motorista dahil mas malawak na ang magkabilang linya ng kalsada.

Ang dalawang kilometrong road widening project ay pinondohan ng DPWH ng halagang P74.8 milyon at sinimulang isakatuparan noong Mayo 23, 2022 at natapos kamakailan lamang. (OCJ/PIA Mimaropa-Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch