No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Inflation rate sa Bicol region, bumaba ng 0.7 % ngayong Hulyo

Lungsod ng Legazpi, Agosto 9 (PIA)—Bumaba sa 4.6 % ang inflation rate sa Bicol region ngayong buwan ng Hulyo  kumpara sa 5.3% inflation rate nitong nagdaang buwan ng Hunyo  o 0.7 % na pagbaba ayon sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol.

Pangunahing dahilan ng pagbaba ng inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo na kinakailangan ng mga mamamayan sa rehiyon ay ang mabagal na pagtaas ng mga presyo ng gastusin sa mga pabahay, tubig, elektrisidad,petrolyo at iba pang kahalintulad na produkto  na  bamaba sa 3.4% inflation. Ito ay may katumbas na  34.5 % ambag sa pangkalahatang inflation sa rehiyon.

Bumaba rin ang presyo ng renta sa mga pabahay sa rehiyon ng 10.2% mula sa 11.7 % nitong Hunyo kasabay ng pagbaba rin ng presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa buwan ng Hulyo ng -15% mula sa -12% kumpara sa nakalipas na buwan.

May naitala ring pagbagal sa paggalaw ng presyo ng pagkain at non-food alcoholic beverages sa 5.9% at ambag na 29.9% sa pangkalahatang antas ng inflation sa rehiyon. Mabagal naman na paggalaw ng presyo ng pulang asukal at mga kauring produkto nito ang naitala na may  24.1% inflation sa buwan ng Hulyo kumapara sa 33.5% inflation sa nakalipas na buwan.

Sumadsad naman sa 1.1% inflation ang naitala sa mga prutas tulad ng saging at maging mga nuts mula sa 55.9 % inflation sa buwan ng Hunyo.

Kasama ring naitala ang mabilis na pagbaba ng presyo ng mga karne sa palengke tulad ng manok at iba pa sa -2.2 % inflation mula sa 1.1% sa buwan ng Hunyo.

Humabol sa pagbaba ng inflation ang sektor ng transportasyon na nakapagtala ng mabilis na pagbaba sa presyo nito sa -3.6% inflation at nakapag ambag ng  19.7% sa pangkalahatang pagbaba ng inflation sa rehiyon. Kabilang na dito ang mabagal na paggalaw ng presyo ng pamasahe  sa jeep na maay 3.9% inflation mula sa 7.8% rate sa buwan ng Hunyo 2023.

Mabilis ding bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo tulad ng diesel na pumalo sa -33.6% inflation mula sa -31.1% rate sa buwan ng Hunyo.

Sa kabuuhan, pinaka mataas na naiambag sa pagbaba ng inflation sa rehiyon ang food and non-alcoholic beverages na umabot sa 57.1% share, vegetables na may 21. 4%, rice and cereals na may 8.1%, shoe repair materials sa 4.0%, water supply sa 1.7%.

Malaki din ang naiambag ng mga restaurants at accommodation services na nakapagambag ng 10.3 share at 7.4 % inflation mula sa 7.7% nitong buwan ng Hunyo

Ang mga produkto at serbisyong bahagyang tumaas ang inflation ay ang  Food and non-alcoholic beverage:  5.9% sa alcoholic beverages at tobacco sa 12.5%, clothing and footwear sa 8.8%, housing, water, electricity, gas at kauri nito sa 3.4%, furnishing, household equipment sa 4.1%, health sa -0.1%, recreation and sports sa  5.4 %, restaurants at accommodation sa 7.5%, personal care and other miscellaneous services sa 5.3%. Pinaka mabilis naman ang paggalaw ng presyo ng transportasyon sa -3.6% sa buwan ng Hulyo.

Pinaka mataas naman ang naitalang inflation sa information and communication services sa 1.5 % sa buwan ng Hulyo.

Limang lalawigan sa rehiyon ng Bicol ang bumaba ang inflation rates nitong nakaraang Hulyo tulad ng Albay na may 5.5 % inflation, Camarines Norte 5.7%, Camarines Sur 4.2%,Catanduanes 3.4% at Masbate sa 2.9% samantalang tumaas ang inflation rate sa lalawigan ng Sorsogon sa 4.8%.

Ayon sa PSA Bicol, mataas na presyo ng pagkain tulad ng isda at mga lamang dagat, mga cereals at mga gulay ang humatak at nakaapekto sa pagtaas ng inflation rate sa lalawigan ng Sorsogon.

Epekto ng habagat ang nakikita ng PSA na nakaapekto sa pagtaas ng presyo ng mga produkto lalo na sa agrikultura. Hindi naman nakikita ng PSA na nakaapekto sa ngayon ang nakaraang bagyong Egay sa inflation sa Bicol maging ang pagaalburuto ng bulkang Mayon sa Albay.

Sa datus ng PSA Bicol, ang halaga ng isang piso noong 2018 ay 0.80 sentimo na lang ngayong 2023 sa rehiyon. (PIA5)

About the Author

Marlon Atun

Writer

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch