No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kahandaan sa sakuna, masustansiyang pagdiyeta, sentro sa women’s camp

LUNGSOD QUEZON, (PIA)--Nagmistulang camping ground ang Social Hall ng Haven For Women sa Alabang nitong Hulyo 27 dahil sa napuno ang lugar ng mga tent at nagkaroon pa ng salu-salo ng masustansyang pagkain na ipinamahagi sa mga campers.

Layunin ng “Women’s Camp” na ituro sa mga residente ng HFW ang kahandaan tuwing may sakuna at ang tama at angkop na pagdi-diet bilang kulminasyon ng  “Disaster Resiliency Month” at “Nutrition Month”.

Ayon kay HFW Center head Cathy Taleño, sa pamamagitan ng simulation itinuturo sa mga residente ng Haven for Women ang sitwasyon sa loob ng isang evacuation center at anu-ano ang mga dapat gawin tuwing makakaranas ng isang sakuna.

Binigyan-diin rin nito na kasama sa simulation ang paghahanda ng tama, malinis at masustansyang pagkain na ibinibigay sa mga bakwit.

Nagsilbi ring team building ang nasabing aktibidad para sa mga residente dahil sa mga inihandang palaro tulad ng amazing race, cook fest at iba pa upang masubok ang kanilang karakter, camaraderie at sportsmanship.

Ang Haven For Women ay isa sa mga Center and Residential Care Facility (CRCF) ng DSWD-National Capital Region na siyang nangangalaga at kinukupkop ng mga babaeng biktima ng pang-aabuso.

Para sa iba pang impormasyon ukol sa Haven For Women at iba pang programa at serbisyo ng DSWD-NCR, bisitahin ang official website ng DSWD-NCR: www.ncr.dswd.gov.ph. (dswd ncr/pia-ncr)

About the Author

Gelaine Louise Gutierrez

Information Officer II

NCR

Feedback / Comment

Get in touch