No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

AICS payout, ibinahagi sa 168 na indibidwal sa Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Ipinamahagi ng tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Mimaropa sa pamamagitan ng Sangguniang Panlungsod (SP) ng Calapan ang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) payout sa 168 benepisyaryo na isinagawa noong Agosto 9 sa Kalap Covered Court sa City Hall.

Makikitang pumipirma ang isang benepisyaryo (kaliwa) ng AICS sa dokumento na kailangan isumite sa tanggapan ng DSWD bago tanggapin ang tulong pinansiyal bilang pansuporta sa mga pangangailangan at iba pang gastusin ng pamilya. (Larawan kuha ni Tita Marilou Flores-Morillo FB Account)

Tumanggap ng P2,000 ang bawat benepisyaryo na ang pondo ay nagmula kay Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na ipinagkaloob sa DSWD at ibinahagi ng SP na pinangasiwaan ni City Councilor Atty. Jel Magsuci katuwang si City Mayor Marilou Flores-Morillo.

Ang nasabing bilang ng mga benepisyaryo ay nagmula sa mga barangay ng Batino, Bayanan 2, Bucayao, Bulusan, Calero, Camansihan, Canubing 2, Guinobatan, Lalud, Lazareto, Libis, Lumangbayan, Malamig, Managpi, Pachoca at Sta. Isabel.

Sinabi ni Morillo na malaking ambag sa mga Calapeño ang natanggap na tulong pinansiyal na kanilang magagamit sa kabuhayan habang patuloy pa rin sa pangangalap ang Pamahalaang Lungsod ng iba pang mapagkukuhanan ng pondo sa Pamahalaang Nasyunal para maibaba sa kanilang nasasakupan. (DN/PIA MIMAROPA - Oriental Mindoro)


About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch