No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga katutubo sa bayan ng Allacapan, nakatanggap ng tulong mula kay Sen Bong Go

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Hindi man personal na nakarating ay tiniyak ni Senador Christopher Lawrence "Bong" Go na mabigyan ng food packs ang mga katutubong Agta na biktima ng nagdaang bagyong Egay sa bayan ng Allacapan dito sa lalawigan.

Hindi bababa sa 280 katutubong Agta sa bayan na Allacapan ang nakatanggap ng tulong mula kay Senador Bong Go kamakailan. (Kuha ng LGU Allacapan)

Naiparating ang hindi bababa sa 500 food packs sa pamamagitan ni Kirvy Camarillo mula sa Tanggapan ni Senador Bong Go.

Agad namang ipinamahagi ang mga nasabing food pack ng lokal na pamahalaan  sa 289 katutubo.

Ang pamamahagi ay pinangunahan nina Mayor Harry D. Florida at Vice Mayor Yvonne Kathrina Florida.

Ipagpapatuloy naman ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office ang pamamahagi ng ayuda upang mabigyan ang iba pang mga katutubong Agta na hindi nakapunta sa naitakdang distribusyon. (MDCT/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Regional Editor and Social Media Manager

Region 2

An ordinary writer from Cagayan Province. 

Feedback / Comment

Get in touch