No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Dalawang bayan mula OccMin, sumailalim sa Training on Adolescent Health ng CPD Mimaropa

Iba't-ibang konsernadong indbidwal at mga kinatawan ng mga ahensiya ang dumalo sa isinagawang dalawang araw na pagsasanay ng CPD Mimaropa hinggil sa pagsusulong ng Adolescent Health and Development sa Occidental Mindoro. (Larawan mula CPD Mimaropa)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Bilang tugon sa panawagan ng Pamahalaan na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan hinggil sa kanilang sekswalidad at reproductive health, nagsasagawa ang Commission on Population Development (CPD) ng serye ng mga oryentasyon sa iba't-ibang probinsya sa bansa.

Nagsagawa ng dalawang araw na pagsasanay hinggil sa Adolescent Health and Development (AHD) Strategies and Initiatives ang CPD Mimaropa sa mga bayan ng Looc at Lubang sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Pinangunahan ni CPD Mimaropa Assistant Regional Director Gloren Hinlo ang naturang gawain katuwang sina Population Program Officer Mark Guilles at Information Officer Jasmine Osias. Samantala, kinatawan naman nina Jiselle Vicente at Rowena Tiuzen ang Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) Occidental Mindoro. Nagpamalas din ng pakikiisa ang iba’t-ibang konsernadong organisasyon at mga ahensiya upang mas epektibong maisulong ang AHD Program interventions and strategies sa naturang lalawigan.

Ang naturang gawain ay naging posible sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pinansyal na tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa pamamagitan ng PSWDO Officer Rosalina Lamoca.

Ilan sa mga napagpulungan sa naturang gawain ay ang pagiging gender-responsive at ang tamang pakikipag-usap o panayam sa mga kabataan hinggil sa kanilang sekswalidad at reproductive health. (JJGS/PIA MIMAROPA)

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch