No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga bangka at gillnets, ipinamahagi ng BFAR sa Sanchez Mira

Pinangunahan ni Cagayan Provincial Fisheries Officer Jennifer T. Tattaong ng limang Fiberglasss Reinforced Plastic Boats sa limang grupo ng mga mangingisda sa bayan ng Sanchez Mira nitong Agosto 9. (Kuha ng BFAR)

SANCHEZ MIRA, Cagayan (PIA) - - Namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Office No 2 ng limang Fiberglasss Reinforced Plastic Boats sa limang grupo ng mga mangingisda sa bayan ng Sanchez Mira nitong Agosto 9.

Ang bawat grupong benepisyaryo ay binubuo ng tig-tatlong miyembro ayon sa BFAR.

Sa mensahe ni Cagayan Provincial Fisheries Officer Jennifer T. Tattao, sinabi nito na hangad ng kanilang ahensiya na matulungan ang mga mangingisda sa lalawigan upang mas maging ligtas ang kanilang pagpapalaot sa tulong ng mas matibay na mga fiberglass boat.

“Walang malaki o maliit na tulong basta ang mahalaga ay taos pusong tanggapin kung anuman ang maibahagi sa atin at alam natin kung paano ito pahahalagahan,” ani Tattao.

Ang nasabing mga bangka ay ipinangako ng pamahalaan sa pamamagitan ng dating BFAR National Director Eduardo Commodore Gongona kay Mayor Abraham B. Bagasin.

Liban sa fiberglass boats ay namahagi rin ang naturang ahenisya ng 20 sets ng gillnet sa mga rehistradong mangingisda.

Samantala, bumisita rin sa naturang bayan si BFAR Regional Director Dr. Angel B. Encarnacion upang ibahagi ang mga naturang programa at aktibidad ng kawanihan sa bayan ng Sanchez Mira. (OTB/MDCT/May ulat mula kay A. Cristobal, PFO Cagayan/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Regional Editor and Social Media Manager

Region 2

An ordinary writer from Cagayan Province. 

Feedback / Comment

Get in touch