No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pamamahagi ng fertilizer discount voucher sa bayan ng Enrile, nasimulan na

ENRILE, Cagayan (PIA) - - Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pamamahagi ng Fertilizer Discount Voucher sa mga magsasaka sa bayan ng Enrile dito sa lalawigang ito nitong Agosto 10 .

Ang pamamahagi ng Fertilizer Discount Voucher ay sa ilalim ng National Rice Program  ng naturang kagawaran.

Maagang pumila sa Municipal Hall ng Enrile ang unang batch ng mga magsasaka na makakatanggap ng fertilizer discount voucher mula sa Department of Agriculture. (Litrato ng Enrile LGU)

Layunin ng programa na tulungan ang mga magsasaka ng Enrile na makabili ng pataba o abono na isa sa mga farm input na patuloy na tumataas ang presyo.

Bawat voucher ay may halagang P4,000 kada ektarya at ipapalit sa mga accredited merchant na natukoy ng kagawaran.

Sa nasabing bayan, isinagawa ng DA ang pamamahagi katuwang ang Municipal Agriculture Office (MAO) at ang Cagayan Seed Producers Cooperative na siyang akreditadong fertilizer merchant.

Tinatayang nasa 2,300 na mga aktibong magsasaka ng palay na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang magiging benepisyaryo ng programang ito ngayong wet cropping season.

Ayon sa MAO, makipag-ugnayan lamang ang isang kwalipikadong magsasaka sa kanilang opisina para malaman nila ang iskedyul sa kanilang barangay sa pamamagitan ng pagtawag sa numerong 09356106452 o magpadala ng mensahe sa Facebook page ng LGU sa ‘One Enrile One Event’. (OTB/MDCT/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Regional Editor and Social Media Manager

Region 2

An ordinary writer from Cagayan Province. 

Feedback / Comment

Get in touch