Sa press conference sinabi nito na maliban sa regular na pagbisita sa mga kampo ng militar ay pumunta rin siya sa Palawan upang alamin ang totoong nangyari sa West Philippine Sea kaugnay ng water cannon incident kamakailan.
“Im here, especially because of what happened last Saturday, para mapag-aralan ko kung ano ‘yong totoong nangyari and we will see how we can probably change some of our policies or maybe increase more resources into WESCOM,” pahayag ng heneral.
Sinabi din nito na mariing kinokondena ng AFP ang aksiyong ginawa ng Chinese Coast Guard na pambobomba ng tubig sa mga barko ng Pilipinas sa WPS pero hindi nito kinokondena ang relasyon ng China sa Pilipinas dahil mayroong diplomatic relation ang dalawang bansa.
"Sa atin naman, ‘nong mangyari ‘yong insidente na ‘yon ay kaagad-agad tayong nagbigay ng statement, hindi lamang ang AFP and even the Philippine Coast Guard at ang sinabi natin , that we are strongly condemning the actions done by the Chinese Coast Guard and the Chinese Militia. ‘Yong actions kino-condemn natin, but not the relations, kasi meron tayong diplomatic relations with the China. In fact, ‘yong economic side natin eh talagang, we defend heavily on China, but when it comes to the military side, meron tayong tinatawag na military diplomacy, so sinusunod natin yon, kaya nga nagpapadala tayo ng mga estudyante abroad sa China para mag-aral doon, that is part of the military diplomacy. Kasi kahit saan ka pumunta sa buong mundo, ang mantra ng mga armed forces is to prevent war, not to encourage war.” Dagdag na pahayag ng heneral.
Ayon pa sa Heneral, mayroon ding water cannon ang mga barko ng Pilipinas ngunit ito ay ginagamit sa pagligtas ng buhay at hindi sa coercive manner.
“Meron din naman tayong water cannon, doon sa ating mga coast guard ships, even the navy ships pero hindi natin ginamit, kasi we follow the rules, yong water cannon na ‘yan ay ginagamit natin to save lives, kung may sunog ang isang barko ‘yon ang ginagamit natin na pangpatay ng sunog. We don’t used it in a coercive manner, so tayo, sumusunod tayo sa mga batas kaya nga sinusulong natin yong rule base order.” Ang huling pahayag ng heneral. (OCJ/PIA-Palawan)