No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

188 mag-aaral ng Calapan, benepisyaryo ng AICS payout ng DSWD

Ang tulong edukasyon mula sa tanggapan ng DSWD sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis (AICS) ay inaasahang magiging malaking tulong sa mga mag-aaral ngayong parating na taong panuruan. (Larawang kuha: JJGS/PIA)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Isinagawa noong Agosto 15 sa Bulwagang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang payout ng educational assistance sa 188 piling benepisyaryong mag-aaral mula sa Lungsod ng Calapan.

Ang naturang pamamahagi ay napapailalim sa programang Assistance to Individuals in Crisis (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nasa 70 mga benepisyaryo ay nag-aaral sa kolehiyo kung saan tatanggap ang mga ito ng P4,000 cash assistance para sa kanilang pag-aaral ng first semester sa taong 2023-2024.

Samantala, nasa 118 naman ang nag-aaral sa sekondarya, at tatanggap sila ng P3,000 cash assistance.

Nagmula ang pondo sa DSWD sa pakikipag-ugnayan ng tanggapan ni Senator Ronald 'Bato' Dela Rosa. Ang listahan naman ng mga benepisyaryo ay mula sa natukoy ng Pamahalaang Panlalawigan.

Nagbigay ng mahahalagang mensahe si Governor Humerlito A. Dolor hinggil sa kahalagahan ng pagtatapos sa pag-aaral. Hinimok ng gobernador na kumuha ng kursong Information Technology (IT) ang mga benepisyaryo, dahil naniniwala siya na magiging malaking ambag ang sektor ng IT sa paglago ng ekonomiya ng lalawigan, lalo na ngayon na nalalapit nang pormal na buksan ang IT Park ng Oriental Mindoro na inaasahang magdadala ng karagdagang trabaho sa lalawigan. (JJGS/PIA Mimaropa-OrMin)

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch