No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Citrus farmers ng Kasibu, tumanggap ng P14M na tulong mula DA

Tumanggap ng P14.4 million na tulong ang mga Citrus Farmers sa Kasibu, Nueva Vizcaya sa pagbubukas ng 2023 Citrus Festival ng bayan. PIA Photo

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Tumanggap ng P14.4 milyon na tulong ang mga Citrus farmer sa bayang ito kasabay ng pagbubukas ng 2023 Citrus Festival.

Personal na  iniabot ni Unicols Manalo, Department of Agriculture (DA)  director for Field Operations Services ang Certificate of Allocation na naglalaman ng mga tulong kay Kasibu Mayor Romeo Tayaban, Vice Mayor Chito Bumolo,Jr. at mga Sangguniang  Bayan members.

Ayon kay Manalo, handa ang DA upang tumulong sa mga magsasaka ng citrus upang lalo pang maipakilala ang kanilang de kalidad na produkto sa international market.

Hinimok din ni Manalo ang pagtutulungan ng bawat isa upang makamit ang minimithing pagyabong ng mga citrus product sa bayan at maibenta ito sa pandaigdigang kalakalan.

Ayon naman kay Mayor Tayaban, kinakailangan ang pagkakakisa ng mga magsasaka ng citrus sa bayan upang mapalakas ang industriya at lumago ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Dagdag pa nito, maraming mga citrus farmers sa bayan ang gumanda ng pamumuhay dahil sa citrus farming at hinimok nito ang iba pang mamamayan na sumali sa pagtatanim ng citrus.

Ang  Citrus Festival ay taunang isinasagawa ng Kasibu upang maisulong ang citrus products sa local at international market at bilang pasasalamat sa Poong Maykapal dahil sa patuloy na biyaya, pagpapala at kitang tinatamasa ng mga magsasaka sa bayan.

Ang Citrus Farms sa Kasibu ay nagsisilbi ring tourist attraction sa lalawigan na  isinusulong  ng Department of Tourism (DOT) katuwang ang provincial at municipal tourism offices.

Ang bayan ng Kasibu ay idineklarang Citrus Capital ng Northern Luzon  batay sa ibinabang Executive Order ni dating DA Secretary William Dar. (BME/PIA NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch