No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Comelec Albay all set para sa BSKE mall voting simulation

LEGAZPI CITY, ALBAY (PIA) – Nakatakdang isagawa ang mall voting simulation para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa lalawigan ng Albay bilang pilot site sa rehiyon ng Bicol.

Siniguro ni Commission on Elections (COMELEC) Albay Provincial Election Supervisor Atty. Ma. Aurea C. Bo-Bunao ang pakikipag-ugnayan sa mga kapulisan at security personnel ng SM City Legazpi upang matiyak ang kapayapaan at seguridad ng isasagawang mall voting simulation sa Agosto 19, 2023.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Albay Provincial Election Supervisor Atty. Ma. Aurea C. Bo-Bunao, nasa 50 registered voters mula sa Barangay Capantawan ng Legazpi City ang lalahok sa pilot testing nito sa SM City Legazpi ngayong Agosto 19, 7:00AM - 12:00PM.

Aniya, nasa 720 voters mula sa nasabing barangay ang nakatakdang bomoto sa SM Legazpi ngayong BSKE sa Oktobre 30, 2023.

Inihayag ni COMELEC Legazpi City Election Supervisor Atty. Connie del Castillo na layunin ng mall voting simulation na masubukan ang kahandaan ng mga electoral boards sa pagsagawa ng kanilang mga tungkulin para sa voting, canvassing at retrieval process.

“One of the objectives of this mall voting pilot test is to enable the COMELEC to identify potential problems that may crop-up during the elections and provide resolutions for the said problem,” ani del Castillo.

Aniya, layunin din nitong matukoy at matugunan ang mga posibleng suliranin sa araw ng eleksyon lalo na ng mga sektor na may natatanging pangangailangan kabilang na ang mga senior citizens, persons with disabilities at buntis.

“We also aim to increase public awareness considering that voting simulation will serve as a test case on what the voters will expect on Election day,” dagdag niya.

Tiniyak naman ni Bunao ang kapayapaan at seguridad ng isasagawang simulation. Aniya, bukod sa mall security ay tutulong din ang mga kapulisan mula sa provincial at regional police offices.

Kanyang pinaliwanag na kung sakaling maging matagumpay ang mall voting simulation, maaari itong mapalawak at makilahok ang iba't-ibang malls sa bansa sa pamamagitan ng memorandum of agreement sa COMELEC Manila. (PIA5/Albay)

About the Author

Sally Altea

Writer

Region 5

"He provides. Everything is in His hands."

Information Center Manager of the Philippine Information Agency - Albay

 

Feedback / Comment

Get in touch