No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Muntinlupa LGU nagsagawa ng ‘Basic Filipino Sign Language Training’

LUNGSOD QUEZON, (PIA) –Nagagawa ng ‘Basic Filipino Sign Language (FSL) Training’ ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa para sa mga kawani at mga manggagawa sa pribadong sektor Lunes,  Agosto14, 2023 sa SM Muntinlupa.

Sa pamamagitan ng Muntinlupa City Persons With Disability Affairs Office (PDAO), layunin ng FSL Training na alisin ang communication barrier na humahadlang sa pag-unawa at pakikipag-usap sa Muntinlupa Deaf Community.

Kasama sa mga dumalo ang ilang mga miyembro ng Deaf Congregation mula sa International Evangelical Church of Alabang (IECA) at nagkaroon ng masaya at produktibong interaksyon ang mga ito sa mga lumahok na hearing impaired na pawang mga public servant at private sector employees/professionals.

“Isang magandang experience ito sa mga nakakarinig na makasama ang ilan sa Deaf Community kasi malalaman talaga nila kung gano kahirap makapag-communicate sa kanila,” ayon kay Ms. Chona Taja ng IECA Deaf Ministry.

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, kabilang sa 134 na wika ang Filipino Sign Language sa bisa ng Batas Republika Blg. 11106 na kapwa kinikilala sa Early Years Act (Batas Republika Blg. 10410) at ng Enhanced Basic Education Act (Batas Republika Blg. 10533).

Ang FSL ang opisyal na lengwahe ng gobyerno ng Pilipinas para sa mga Deaf at Hard of Hearing na Pilipino sa mga pampublikong ahensya o tanggapan, eskwelahan at iba pang opisina at pasilidad ng pamahalaan. (muntinlupa pio/pia-ncr)

About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch