Photo: LGU Cotabato Province
LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Patuloy ngayon ang pagsasagawa ng tree-growing activities ng pamahalaang panlalawigan upang mapangalagaan at maproteksyunan ang kalikasan sa lahat ng panig ng probinsya.
Nitong Miyerkules, abot sa 500 forest tree seedlings ang naitanim sa Barangay La Esperanza sa bayan ng Tulunan, Cotabato Province.
Ang aktibidad ay nilahukan ng mga opisyal at residente ng nasabing barangay.
Sa kabilang banda, nitong Huwebes naman ay abot din sa 500 forest tree seedlings ang itinanim ng mga opisyal at residente ng Barangay Arizona sa bayan naman ng Midsayap.
Photo: LGU Cotabato Province
Binigyang-diin ni Governor Emmylou Mendoza na ang hakbang na ito ay alinsunod sa adhikain ng pamahalaang panlalawigan na mapreserba ang likas na yaman sa lalawigan lalo na ang kabundukan at mga watershed.
Ito aniya ay bilang pananggalang din sa baha at landslides at upang labanan ang epekto ng global warming.
Nakatakda ding isagawa ng pamahalaang panlalawigan ang mga tree-growing activity sa iba pang lugar sa probinsya. (PIA Cotabato Province)