No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Gobyerno at private sector, magsasanib upang sugpuin ang mental health problem sa Rehiyon Dos

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - Mental health o kalusugang pangkaisipan ang sentro ng talakayan sa katatapos na Dagyaw 2023 sa rehiyon matapos na ito ang nakakuha ng mas maraming boto sa isinagawang survey sa tanong na "Ano ang dapat talakayin sa Dagyaw?"

Bilang resulta ay nangako ang sektor ng pamahalaan, akademiya at pribadong sektor na magsasanib pwersa upang makatugon sa hamon ng mental health.

Kabilang dito ang Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of the Interior and Local Government (DILG), Commission on Higher Education (CHED), National Economic and Development Authority (NEDA), Philippine Information Agency (PIA), DOH - Cagayan Valley Medical Center (CVMC), Department of Information and Communications Technology (DICT), Cagayan State University (CSU) at iba pang State Universities and Colleges (SUCs) at private entities at organizations tulad ng Oasis Psychological Testing Center, Regional Association of Practitioners of Student Services.

Mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor maging mga kabataan na nagsanib pwersa upang maging bahagi sa paglutas ng problemang kalusugang pangkaisipan.

Ayon sa datos ng DSWD, nangunguna ang Pilipinas sa may mataas na kaso sa problema sa mental health bilang naging epekto ng COVID- 19 lockdown. 

Ayon naman kay Dr Kristoferson De Leon ng CVMC Department of Behavioral Medicine, nasa 3.6 milyong Pilipino ang nakararanas ng isa sa mga uri ng mental, neurological o substance use disorder at 3.3 sa kada 100,000 na populasyon ang reported case ng suicide.

Aniya, kadalasan ng kaso ng suicide ay sa kalalakihan kung saan 877,000 ang namamatay dahil sa suicide at mahigit 154 milyon naman ang nakararanas ng depression. 

Ayon naman kay Febe Marl Paat, isang registered psychologist, karaniwang ang mental health problems ay namamana, dulot ng psychological trauma, environmental stress, adverse childhood experience, financial issues at medical conditions.

Dagdag pa niya na karaniwang ang biktima ay nakararanas ng kalungkutan, pag-iwas sa pamilya o kaibigan, pananakit sa sarili, hindi nakakatulog, pagbabago sa ugali at pagiging magalitin. 

Mga pinuno at katuwang sa pagsasagawa ng Dagyaw 2023 na layuning makabuo ng mga polisiyang tutugon sa mga suliraning kinakaharap ng rehiyon.

Samantala, ayon kay Dr. Bryan Nino Galapia, Medical Officer IV ng DOH na may mga programa ang kagawaran na tumutugon sa problema sa kalusugang pangkaisipan bilang tugon sa Mental Health Law na pinirmahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

May mga online support program din umano ang DOH na pwedeng takbuhan o tawagan ng mga nakaranas ng mental health problem.

Maging ang mga Rural Health Unit na nasa mga lokal na pamahalan ay nabigyan na rin ng mga kaukulang training at orientation kaugnay sa mental health. (MDCT/GVB/PIA Cagayan)

About the Author

Gene Baquiran

Writer

Region 2

I am simply amazing.

Feedback / Comment

Get in touch