No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Forum sa Sorsogon tinalakay ang paparating na barangay, SK elections

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)--Nagsagawa ang Comelec Bicol ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) Forum at Mini Photo-Exhibit  sa Sorsogon Provincial Gymnasium, Sorsogon City, Martes, Agosto 22.  

ito ay bahagi ng paghahanda ng COMELEC sa nalalapit na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay COMELEC Sorsogon Election Supervisor Atty. Calixto Aquino Jr., layunin ng forum na maipaabot at maipaalam sa mga tao ang mahahalagang impormasyon tungkol sa nalalapit na BSKE 2023. Dagdag nito, layunin din ng naturang aktibidad na mas mabigyan ng linaw ang kanilang mga katanungan, kuru- kuro at kung ano ang mga bawal at pwedeng gawin sa mga nais tumakbo sa eleksyon.

Nakilahok sa naturang ktibidad ay ang mga aspiring candidates, mga opisyal ng Sangguniang Kabataan at barangay mula sa anim na lalawigan ng rehiyong Bicol -  Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Albay, Masbate at ng Sorsogon.

Atty. Calixto Aquino Jr., Comelec Sorsogon Election Supervisor re 2023 BSKE
Mga aspiring candidates, mga opisyales ng Sangguniang Kabataan at Barangay mula sa anim na probinsya ng rehiyong Bicol na kinabibilangan ng Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Albay, Masbate at ng Sorsogon ang nakilahok sa aktibidad

Tinalakay sa forum ang mga guidelines sa pagsumite ng Certificate of Candidacy (COC), mga paalala sa halalan at pagsumite ng statement of contributions and expenditures sa oras na matapos na ang eleksyon.

Maaaring maghain ng COC ang mga kandidato mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2. Ang araw ng eleksyon ay nakatakda sa Oktubre 30.

Paliwanag  ng COMELEC na maaari lamang na mangampanya ang mga kandidato sa loob ng official campaign period para sa halalan na itinakda sa Oktubre 19-28. Magsisimula ang election period sa Agosto 28. Dito magsisimula na rin ang gun ban at public works ban, gayundin ang social services ban, maliban na lamang kung may eksempsyon mula sa poll body.


Ayon pa sa Comelec sa mas maiksing panahon sa pagitan ng Oktubre 2023 at Disyembre 2025, mangangahulugan ito na magkakaroon ng mas maiksing termino ang mga magwawagi sa halalan.

Bukod sa forum, binuksan rin ng Comelec ang mini-photo exhibit kung saan ibinida ang evolution ng eleksyon sa bansa.

Nagpasalamat naman ang Comelec Sorsogon sa lahat ng lumahok at sumuporta upang naging matagumpay ang nasabing aktibidad.

Positibo naman ang Comelec na magiging maayos at mapayapa ang takbo ng halalan sa barangay at SK ngayong taon.(MBA/PIASorsogon)


Mini-photo exhibit ng Comelec kung saan ibinida ang evolution ng eleksyon sa bansa.

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch