No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Citrus Festival, isa nang town fiesta celebration ng Kasibu

Ang Citrus Festival na dating ginaganap sa Malabing Valley, Kasibu, Nueva Vizcaya ay isa nang ganap na selebrasyon ng taunang kapistahan ng bayan. PIA Photo

KASIBU, Nueva Vizcaya (PIA) – - Ang Citrus Festival na dating ginaganap sa Malabing Valley sa bayang ito ay isa nang ganap na selebrasyon ng taunang kapistahan sa buong bayan ng Kasibu.

Ayon kay Christian Daulayan, municipal tourism officer ng bayang ito, inaprubahan na ng Local Government Unit ang Citrus Festival bilang isang selebrasyon ng kanilang town fiesta.

Ayon pa kay Daulayan, makakatulong ito ng malaki upang maipakilala pa ang bayan ng Kasibu bilang Citrus Capital ng Northern Luzon at ang angking potensiyal ng bayan sa larangan ng agri-eco-cultural tourism.

Dagdag pa nito na nasa 15 hanggang 20 na Citrus Farms na ang kasalukuyang nasa bayan at hindi na lamang sa Barangay Malabing kundi sa mga karatig na barangays ng Kasibu.

Kamakailan lamang ay isinagawang muli ng  LGU at mga citrus farmers ang Citrus Festival sa Kasibu bilang pasasalamat sa Poong Maykapal dahil sa patuloy na biyaya nito sa mga magsasaka ng bayan, pagkakaisa at pagtutulungan ng mga katutubong mamamayan at ang pag-unlad ng bayan bilang isa sa mga sentro ng yamang agrikultura ng lalawigan.

Ayon naman kay Mayor Romeo Tayaban, malaki ang pasasalamat ng bayan sa mga iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan at mga local na opisyal ng lalawigan dahil sa patuloy nilang suporta sa mga magsasaka ng Kasibu.

Nagpahayag naman ng pagkagalak si Ginoong Alfonso Namujhe,Sr. na siyang ama ng citrus farming sa Kasibu dahil sa tagumpay at pag-angat ng kabuhayan ng mga magsasaka ng citrus.

Ayon pa sa kanya, kailangan pa ang tulong ng pamahalaan gaya ng mga post-harvest facilities upang mai-angat ang kalidad ng mga citrus products sa bayan at tuluyang makipag-sabayan sa kalidad ng mga imported na produkto ng citrus.

Sa pagbubukas ng Citrus Festival kamakailan, nagbigay muli ng tulong pinansiyal ang Department of Agriculture (DA) para sa mga magsasaka ng Kasibu.

Iniabot ni U-Nichols Manalo, Director for Field Operations Services, kasama si DA Cagayan Valley Officer-In Charge Regional Executive Director Mary Grace Aquino ang Certificate of Allocation na naglalaman ng mahigit P14 million na tulong kay Mayor Tayaban, Vice Mayor Alberto Bumolo,Jr. at mga miyembro ng Sangguniang Bayan (SB). (OTB/BME/PIA NVizcaya)    

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch