
LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Bilang suporta sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa FIBA Basketball World Cup 2023, ihahandog ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang libreng sakay sa LRT-2 para sa mga atleta at delegado.
Ang libreng sakay ay hanggang sa Setyembre 12, 2023 para sa mga sumusunod:
- Mga atleta
- Coaches
- Mga delegado mula sa ibang bansa
- FBWC Organizing Committee Members
- Volunteers
- Safety and Security
- Accredited media
Ipakita lamang ang FIBA Accreditation Pass para i-avail ang libreng sakay.
Ang Pilipinas ay isa sa mga host countries ng FIBA Basketball World Cup 2023. Ito ay gaganapin din sa mga bansang Japan at Indonesia. (LRTA/PIA-NCR)