
LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Nasa 10 Persons with Disability (PWD) ang nabigyan ng prosthetic leg na ipinagkaloob ng isang tanggapan mula sa pribadong sektor katuwang ang Department of Social Welfare and Development-Mimaropa noong Agosto 23.
Magkatuwang sa proyektong ito ang DSWD at A.L. Buenavista Enterprises Inc., na siyang gumawa ng mga nasabing artipisyal na paa kaisa ang pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Marilou Morillo at sa pamamagitan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) upang maibalik ang mga displaced body parts ng mga PWD ng kanilang maabot pa ang mga pangarap sa buhay.
Kasabay nito ay sumailalim din sa casting at pagsusukat ang walo pang amputees na siyang susunod na makakatanggap ng libreng prosthetic leg. (DPCN/PIA Mimaropa-OrMin)