No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagpuputol ng puno ng niyog, dapat may permiso mula sa PCA

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Muling ipinaalala ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa publiko na dapat may kaakibat na permiso mula sa kanilang ahensya kung ang isang tao ay magpuputol ng puno ng niyog.

Ayon kay Coconut Development Officer Donna Mycah Gaa ng PCA Romblon,  mas pinaiigting ng kanilang ahensya ang pagbabantay sa mga magpuputol ng puno ng niyog alinsunod sa Republic Act 10593 o ang Coconut Preservation Act of 1995.

"Hindi po nakakalampas sa PCA itong mga walang permit to cut. Kasi 'kung mag cut tayo, dapat may kasabay po ito na replanting program," pahayag ni Gaa nang ito ay maging bisita sa ginanap na Kapihan sa PIA Romblon.

Paliwanag nito, personal na pinupuntahan ng PCA ang mga ina-apply sa kanilang ahensya na mga punong gustong ipaputol.

Batay sa batas, ang aplikasyon para sa pagputol ng puno ay P100 para sa bawat punong puputulin kung saan P40 ay mapupunta sa PCA, P40 sa pamahalaang bayan, at P20 sa barangay na nakakasakop sa lugar na pinagtaniman ng niyog.

Ayon kay Coconut Development Officer Donna Mycah Gaa ng PCA Romblon,  mas pinaiigting ng kanilang ahensya ang pagbabantay sa mga magpuputol ng puno ng niyog alinsunod sa Coconut Preservation Act of 1995. (PJF/PIA Romblon)

Kung mapapatunayan ng PCA na walang itinanim na mga bagong puno o replacement sa pinutol, maaaring maharap sa pagkakakulong multa tatlo hanggang anim na taon at multang hanggang P1.2 million ang aplikante.

Sa pinakahuling tala ng PCA Romblon noong nakaraang taon, aabot sa 7,624,986 ang puno ng niyog sa buong probinsya at mahigit anim na milyon dito ay bumubunga. (PJF/PIA Mimaropa - Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch