Agad na makipag-ugnayan sa inyong bangko o e-money provider kung nakompromiso ang inyong account. Maaari ring i-report ang mga scammer sa pamamagitan ng mga sumusunod:
• Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng Department of Information and Communications Technology: https://cicc.gov.ph/report/
• Philippine National Police Anti-Cybercrime Group Complaint Action Center Hotline: Landline +63 (723-0401 local 7491 o Cellphone 0961-829-8083 and 0915-589-8506
Kapag sa inyong palagay ay hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko o e-money provider ang inyong hinaing, ipagbigay-alam ito sa BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. I-click ang BOB icon sa BSP website (www.bsp.gov.ph)
2. Mag-chat sa Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/)
3. Kung Globe subscriber, mag-text sa 21582277 (may karampatang bayad)
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin: https://bit.ly/BSPCAM
Protektahan ang sarili mula sa mga scam at iba pang uri ng panloloko.
Payo ng BSP, gawin ugaliing mag check, protect, at report. (BSP/PIA-NCR)