No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PNP Chief binisita ang Puerto Princesa City Police Office

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Bumisita si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin C. Acorda, Jr. sa PNP-Puerto Princesa City Police Office (PPCO) noong Agosto 25, 2023 upang pangunahan ang Inauguration and Blessing ng PPCPO Facade, Rizal Shrine and Land Mark na makikita sa compound ng PNP-PPCPO Tandikan Headquarters.

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin C. Acorda, Jr. ang turn over ceremony ng 12 units Patrol Vehicles, walong (8) units ng Movable Police Visibility Tents at ilang units ng mga bisikleta para sa Tourist Police Unit (TPU). (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

Pinangunahan din nito ang turn over ceremony ng 12 units Patrol Vehicles, walong (8) units ng Movable Police Visibility Tents at ilang units ng mga bisikleta para sa Tourist Police Unit (TPU).

Ang mga patrol vehicle ay itatalaga sa iba’t-ibang police station sa lungsod, samantalang ang mga movable police visibility tents ay ilalagay naman sa mga estratehikong lugar sa lungsod upang magkaroon ng presensiya ng mga pulis kung saan maaari na ring dumulog ang mga mamamayan ng mga insidente ng karahasan o krimen.

Sa kanyang pagbisita ay sinalubong ito ni PNP-PPCPO City Director PCol. Ronie S. Bacuel kasama ang mga hepe ng iba’t-ibang PNP station sa lungsod.

Sa mensahe ni Acorda, pinasalamatan niya ang Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa sa supportang ibinibigay nito sa hanay ng pulisya partikular na ang mga patrol vehicle.

Pinaalalahan din nito ang mga pulis ng lungsod na alagaan ang mga sasakyang nabanggit at gamitin sa pagserbisyo sa mga mamamayan ng lungsod.

Ayon pa kay Acorda, malaking bagay ito lalong-lalo na sa mobility at PNP visibility.

“Maraming element ang krimen. Una ay ang motibo, medyo wala tayong magawa diyan, kung talagang may balak ang isang tao, siya lamang ang may kontrol dito, ngunit magagawa nating makuha o matanggal ang oportunidad at instrumento sa krimen. Diyan po tayo papasok, at sa pamamagitan ng mga sasakyang ito ay malaki ang maitutulong o importansiya nito. So, sa ating kapulisan, alagaan po natin ang ating mga sasakyan na ito,” pahayag ni Acorda. (OCJ/PIA-Mimaropa, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch