No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Suporta sa mga Filipinong manggagawa, mas pinaigting pa

Secretary Lope Santos III, DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, at NAPC-FLMWS Sectoral Representative Edwin Bustillos matapos lumagda ng kasunduan na naglalatag ng mga hakbangin ng bawat ahensya para sa pagpapatupad ng Basic Sector Agenda at Work and Financial Plan ng NAPC-FLMWS. (Larawan mula sa DOLE)

LUNGSOD QUEZON, (PIA) –Mas pinaigting pa kamakailan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), Department of Labor and Employment (DOLE) at ng NAPC-Formal Labor and Migrant Workers Sector (NAPC-FLMWS) ang kanilang kooperasyon at pagtutulungan sa pamamagitan paglagda ng isang memorandum of understanding

Nilagdaan ni NAPC Secretary Lope Santos III, DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, at NAPC-FLMWS Sectoral Representative Edwin Bustillos ang nasabing kasunduan na naglalatag ng mga hakbangin ng bawat ahensya para sa pagpapatupad ng Basic Sector Agenda at Work and Financial Plan ng NAPC-FLMWS.

Layunin din ng kasunduan ang patuloy na pagbibigay ng pondo ng DOLE sa mga gawain ng NAPC-FLMWS, gayundin ang pagpapalakas ng suporta sa mga programa gaya ng DOLE Integrated Livelihood Program.

Ayon kay Secretary Santos, mahalagang masigurong mapakinabangan ng batayang sektor ang mga programa ng pamahalaan.

“Kung mapagsasama-sama natin at magagamit nang maayos ang pondo ng pamahalaang nasyunal at lokal, makasisiguro tayong makakamit natin ang inaasam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na antas ng kaginhawahan ng buhay para sa mga Pilipino,” ani Secretary Santos. (dole/pia-ncr)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch