No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

‘Asemblea Magna’ heritage marker, pinasinayaan sa Lungsod Pasig

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Kasabay ng paggunita sa Nagsabado sa Pasig nitong Martes, Agosto 29, 2023, ay isinagawa ang pagpapasinaya ng heritage marker ng asemblea magna o dakilang pulong ng Katipunan sa Lungsod Pasig.

Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagpapasinaya ng naturang heritage marker na ipinwesto sa busto ni Heneral Valentin Cruz na matatagpuan sa Brgy. San Nicolas.

Kasama ni Mayor Sotto sa pagpapasinaya ay sina Pasig City Representative Roman Romulo, Vice-Mayor Dodot Jaworski at iba pang mga opisyales ng pamahalaang lungsod. Dumalo rin din si National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairperson Emmanuel F. Calairo.

Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto, NHCP Chairperson Emmanuel F. Calairo, at iba pang mga opisyales ang pagpapasinaya ng heritage markre ng Asemblea Magna. (Mga kuha mula sa Pasig City)


Ang ‘Nagsabado sa Pasig’ ang itinuturing na unang matagumpay na pag-aaklas sa ilalim ng rebolusyon laban sa Pamahalaang Kolonyal ng Espanya noong Agosto 29, 1896 na pinangunahan ni Heneral Valentin Cruz ng San Nicolas, Pasig. Ayon sa mga historyador, dito sinambit ni Gat Andres Bonifacio ang linyang “Tunay na magigiting ang batampasig.”

Samantala, ang ‘Asemblea Magna; naman ay ginanap noong Mayo 12, 1896, sa lugar kung saan inilagay ang heritage marker.

Ang Asemblea Magna ang makasaysayang pagpupulong ng mga lider ng KKK na sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Dr. Pio Valenzuela, at Heneral Valentin Cruz tungkol sa pag-aaklas laban sa Espanya. (Pasig City/PIA-NCR)

Naging bahagi ng programa ang paglagda sa katibayan sa paglilipat ng heritage marker mula sa NHCP sa pangangalaga ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Naging tampok din ng naging maiksing programa ang pagbibigay ng mensahe ni G. Albert Contreras, isa sa mga kaanak ni Heneral Valentin Cruz. (pasig pio/pia-ncr)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch