Traffic, Reckless Driving, at Improper Person to Operate a Vehicle, sa ilalim ng Republic Act 4136.
Ang report ng naturang aksyon ay naisumite na sa tanggapan ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista.
Sinabi ni Mendoza na sakaling mabigo si Gonzales na maisumite ang kaniyang sinumpaang salaysay at humarap ay reresolbahin ng LTO ang kasong administratibong isinampa laban sa kaniya base sa mga dokumento at datos.
“Natanggap na ni Mr Gonzales ang Show Cause Order at inaasahan natin ang kanyang kooperasyon tungkol dito. Makakaasa ang taumbayan ng patas at mabilis na aksyon ng inyong LTO tungkol dito,” wika ni Mendoza.
Nitong Lunes, Agosto 28, nagpalabas ng 90 araw na preventive suspension sa driver's license ni Gonzales habang nakabinibin ang resulta ng nagpapatuloy na imbestigasyon upang tukuyin kung dapat ba siyang alisan ng pribelehiyo para magmaneho ng sasakyan.
Sa harap ng mga panawagan sa LTO na bawiin na ang lisensya ni Gonzales, ipinaliwanag ni Mendoza na kailangan pa ring masunod ang due process.
“Nauunawaan po natin ang damdamin ng ating mga kababayan tungkol sa bagay na ito dahil kitang kita naman sa video ang ginawa niya,” ani Mendoza.
“Subalit meron tayong dapat sundin na proseso tungkol dito dahil yan po ang requirement ng ating batas under our legal system. Gumugulong na po ang prosesong ito as far as your LTO is concerned,” dagdag pa ni Mendoza. (lto/pia-ncr)