No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

SSS at Cagayancillo LGU, lumagda ng MOA para sa kaSSSanga sa Coverage Program

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Social Security System (SSS)-Puerto Princesa at ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Cagayancillo nitong Setyembre 1, 2023.

Ang nasabing kasunduan ay para sa kaSSSanga sa Coverage Program ng SSS kung saan ang programang ito ay naglalayong i-tap o kunin ang partnership ng mga LGU na mayroong mga empleyado na hindi sakop ng Government Service Insurance System (GSIS) upang magkaroon ng seguridad sa kanilang pagtanda sa pamamagitan ng SSS.

Si SSS-Puerto Princesa Branch Head Abdultalib Abirin ang lumagda sa panig ng SSS, samantalang si Cagayancillo Mayor Engr. Sergio S. Tapalla ang lumagda naman sa panig ng lokal na pamahalaang bayan.

Ayon kay Abirin, hindi lamang mga empleyado ng mga National Government Agency (NGA), provincial, city at municipality na hindi sakop ng GSIS ang target ng SSS na masakop ng programang ito, kundi maging hanggang sa barangay level.

Hinihikayat rin ng SSS-Puerto Princesa ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa Palawan na may mga manggagawa na nasa ilalim ng Job Order o Contract of Services na dapat ay ma-ensure, mai-report o mai-pasok ang mga ito bilang Self Employed member sa SSS.

Lumagda sina SSS-Puerto Princesa Branch Head Abdultalib Abirin at Cagayancillo Mayor Engr. Sergio S. Tapalla isang MOA para sa KaSSSanga sa Coverage Program nitong Setyembre 1, 2023. (Larawan musa sa SSS-Puerto Princesa)

Paliwanag pa ni Abirin na kapag naging miyembro ang mga ito sa SSS ay magkakaroon ang mga ito ng social proteksyon sa panahon ng pangangailangan at kagipitan tulad ng pagkakasakit, panganganak sa mga kababaehan, disgrasya, pagreretiro at pagkamatay.

Meron din aniyang burial assistance sa mga naggastos sa pagpapalibing sa namatay na miyembro ng SSS na makukuha ng kanilang mga benepisyaryo.

Ang KaSSSanga program ay suportado at naaayon sa direktiba ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamamagitan ng DILG Memorandum Circular No. 2014-083 na nag-aatas sa ng LGU na magreport, magkaltas at mag-remit ng SSS kontribusyon ng mga job order upang magkaroon ang mga ito ng proteksyon.

Ang aktibidad na ito ng SSS-Puerto Princesa ay kaalinsabay ng pagdiriwang sa buong bansa ng ika-66 taong anibersaryo ng SSS. (OCJ/PIA Mimaropa - Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch