No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko-Antas IV, iginawad ng KWF sa MMDA

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Ginawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko 2023 Antas 4 dahil sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo publiko gamit ang wikang Filipino.

Ang Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko- Antas 4 ay ang pinakamataas na antas na maaring makuha ng isang organisasyon o ahensiya mula sa KWF na napatunayan na ang mga gawaing pangwika tulad ng patuluyang pagsasa-Filipino ng mga korespondensiya opisyal, karatula, pabatid, at paggamit ng ulong-sulat sa kanilang opisyal na komunikasyon.

Ayon kay MMDA Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan, Jr., ang parangal na ito ay nagsisilbing inspirasyon ng ahensiya para ipagpatuloy ang pagpapatupad, pagserbisyo sa publiko ng gamit ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon, at korespondensiya.

Ipinagkakaloob ang Selyo ng Kahusayan sa ahensiya na nagdaos ng pagsasanay sa pagsasalin para sa pagproseso ng mekanismo sa pagsasalin ng terminolohiya ng ahensiya at iba pang korespondensiya opisyal.

Patuloy ang pagpapalabas ng mga press release na nasa Filipino, dihital at limbag.

“Ipagpapatuloy ng ahensiya ang paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon para mai-preserba at paunlarin lalo ang ating wika,” sabi ni Usec. San Juan, Jr.

Ang MMDA ay unang nakatanggap ng pagkilala mula sa KWF ng Selyo ng kahusayan sa Serbisyo Publiko- Antas 2 noong 2019 at sa patuloy na paggamit ng wikang Filipino ay naparangalan ulit ang ahensiya ng Antas 3 noong 2021. (mmda/pia-ncr)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch