No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PUV drivers na hindi nagbibigay ng diskwento sa mga estudyante, may multa

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --May karampatang multa ang mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers na hindi nagbibigay ng diskwento sa mga estudyante, ito ang binigyang diin ng Deprtment of Transportation (DOTr).

Ayon sa DOTr, dapat bigyan ng 20 porsiyento (20%) discount ang mga estudyanteng sumasakay sa mga pampublikong sasakyan— weekend man, holiday, summer, o semestral break. Basta may student ID, dapat may discount.

Narito ang mga multa, para sa mga PUV drivers na hindi nagbibigay ng student discounts:

First offense        :      Php5,000

Second offense  :       Php10,000 at pagkaka-impound ng sasakyan

Third offense      :       Php15,000 at kanselasyon ng prangkisa

Para sa mga katanungan o complaint, tumawag sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) 24/7 Hotline number 1342 o mag e-mail sa complaints@ltfrb.gov.ph, o bisitahin ang kanilang Facebook page, fb.com/ltfrb.central.ph. (DOTr/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch