LEGAZPI CITY, Albay (PIA) -- Mahigit 20 employers at technical vocational at technology institutions ang nakiisa sa World Cafe of Opportunities ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Albay.
Mula sa mahigit 544 na na-interview na aplikante, nasa 54 ang hired on the spot, 48 nearly hired at 80 ang nakatakdang sumailalim sa TESDA training.
Mahigit 500 aplikante ang lumahok sa World Cafe of Opportunities ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Albay upang mag-avail ng trabaho at scholarship programs nitong Agosto 25 sa 2nd Floor, Activity Center ng Pacific Mall.
Ayon kay TESDA Albay Provincial Director Mariglo Macabuhay-Sese, mula sa mahigit P500M scholarship fund allocation, nasa 42% dito ang nakalaan para sa lalawigan ng Albay.
“Ang Albay ay napaka-swerte because 42% of the total scholarship budget for Region 5 is in Albay,’’ saad ni Sese.
Ani Sese, Agriculture, Construction at Engineering ang may pinakamalaking nakalaang pondo. Mataas din ang global at national demand para sa skills sa mga industriyang ito, kabilang na ang turismo.
‘’Mayroon pang available slots. Nandiyan ang ating mga technical vocational institutions na mayroon pang mga slots sa construction, agriculture, and others. A total of 5,520 plus ang available pa from now up to December,’’ dagdag niya.
Mula sa mahigit P500M scholarship fund allocation sa rehiyon ng Bicol, nasa 42% dito ang nakalaan para sa lalawigan ng Albay ayon kay TESDA Albay Provincial Director Mariglo Macabuhay-Sese.
Binigyang diin naman ni Raymond Daen, District Program Coordinator at kinatawan ni Albay Cong. Joey Salceda, ang adbokasiya ng kongresista na matugunan ng lalawigan ang pangangailangan para sa mahigit 20 milyon globally competetive workers worldwide para sa High Value Industry.
Kabilang dito ang aviation and aerospace, fitness and well-being, clean technology, food and agribusiness at tourism, sports and leisure.
“Ang unang naging solusyon ni Cong. Joey ay una, makipag-partner sa TESDA. Ang kanilang mandato ay hindi lang magbigay ng technical vocational training kundi gusto nating i-professionalize ang ating mga manggagawa,’’ ani Daen.
Tampok sa aktibidad na ito na bahagi rin ng ika-29 anibersaryo ng TESDA ang job fair, press conference, enrollment sa mga TESDA-accredited institutions, skills demonstration at distribution of allowances.
Ito ay isinagawa nitong Agosto 25 sa 2nd Floor, Activity Center ng Pacific Mall. (With report from Cyryl L. Montales/PIA5/Albay)