No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DA, todo bantay sa mga rice retailer sa pagtalima sa EO39

Nagpulong mga kawani ng Department of Agriculture (DA) hinggil sa gagawing pagmonitor sa implementasyon ng Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos,Jr. na nagtalaga ng Mandated Rice Price Ceiling sa bansa. PIA Photo

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Todo bantay ang mga kawani ng Department of Agriculture (DA) hinggil sa pagsunod ng mga rice retailers sa lalawigan sa   implementasyon ng Executive Order Number 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos,Jr. na nagtalaga ng Mandated Rice Price Ceiling sa bansa.

Sa ilalim ng EO 39, itinalaga ang Mandated Price Ceiling sa Regular Well Milled Rice (RWMR) sa P41.00 kada kilo at P45.00 kada kilo naman ang Well Milled Rice (WMR).  

Ayon kay Josephine Bernardino, Agricultural Technician ng DA Nueva Vizcaya Experiment Station (NVES) sa bayan ng Bagabag, nagsagawa na sila ng pagsisiyasat sa ipinapataw na presyo ng bigas ng mga rice retailer sa bayan ng Bayombong at Solano.

Ayon sa kanilang report kahapon sa pagpupulong ng Nueva Vizcaya Local Price Coordinating Council (NVLPCC), sampung rice retailers sa bayan ng Solano ang nagsara ng kanilang negosyo dahil sa implementasyon ng EO39 habang tatlo lamang ang patuloy na bukas sa mga consumers kung saan dalawa dito ang may rice price na pasok sa ipinataw na rice price ceiling at isa ang lagpas sa nasabing price ceiling.

Dagdag ni Bernardino na sa bayan ng Bayombong, lima na lamang sa labing walong rice retailers ang patuloy na bukas upang magbenta ng bigas sa mga consumers at isa lamang sa kanila ang pasok sa EO39 Rice Price Ceiling  habang ang apat ay lagpas na.

Ayon pa kay Bernardino, isusunod nilang sisiyasatin ang mga presyo ng bigas ng mga rice retailers sa bayan ng Aritao at Bambang  upang mabigyan ng tamang gabay ang mga rice retailers hinggil sa pagsunod ng mga ito sa EO 39.

Dagdag pa ni Bernardino na daing ng mga rice retailers ang mataas na presyo ng palay at agricultural inputs ang siyang nagpapataas ng presyo ng bigas  mula sa mga rice millers at traders na nagbebenta sa kanila.

Ayon pa kay Bernardino, hiling din ng mga rice retailers ang ayuda o tulong ng pamahalaan upang hindi sila malugi dahil sa pagsunod sa EO39. (OTBBME/PIA-2/NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch