LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Upang makasabay sa hamon ng makabagong panahon, nagsusumikap ang iba't-ibang ahensiya upang matulungan ang mga magsasaka na higit na mapaunlad ang kanilang produksyon at kabuhayan.
Kaugnay nito, inilunsad ng Department of Agriculture at ATI Mimaropa ang Farmers Information and Technology Services (FITS) on Wheels kaalinsabay ang patuloy na pag-arangkada ng Presby Kadiwa on Wheels sa Marinduque.
Naglalayon ang naturang aktibidad na maibahagi ang mga makabagong paraan ng pagsasaka sa pamamagitan ng pamamahagi ng Information, Education and Campaign (IEC) materials.
Bukod sa naturang information drive, namahagi rin ng libreng binhing gulay sa mga dumalo sa naturang aktibidad sa Brgy. Labo, Sta. Cruz at Puting Buhangin sa bayan ng Boac na nagnanais magsagawa ng backyard farming sa kani-kanilang mga tahanan.
Naisakatuparan ang gawain sa pamamagitan ng pagtutuwang ng mga lokal na opisyal mula sa bayan ng Boac at mga kawani mula sa Kagawaran ng Pagsasaka. (JJGS/PIA MIMAROPA)
Larawan mula sa Department of Agriculture Facebook page