No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod Pasig, tumanggapng laptops, tablets mula sa lgu

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Tumanggapng mga laptops at tablets ang mga mag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP) mula sa pamahalaang lungsod na magagamit nila sa kanilang pag-aaral.

Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, at mga opisyales ng lungsod ang pamamahagi ng mga kagamitan at ngako ang mga ito na ipagpatuloy nila ang pagsasaayos ng mga pasilidad ng Pamantasan at pagpapaigting ng kanilang sports program.

Ayon kay Mayor Vico, bukod sa mga laptops at tablets, tuloy pa rin ang connectivity allowance ng mga mag-aaral ng PLP.


Mga kuha mula sa Pasig City

Nagpaabot din ng pasasalamat si Sotto sa mga sumuporta upang maisakatuparan ang mga programa.

Thank you City Council, Board of Regents, Pamantasan admin, and the entire PLP community for the continuous support!”

Samantala, binanggit din ni Mayor Sotto na maaaring makapag avail ng PAG-ASA Scholarship Program ang mga mag-aaral na nakapasa sa exam ngunit hindi na kayang tanggapin ng PLP.

At para naman sa mga pumasa sa exam pero di na kinayang tanggapin ng PLP, may bago tayong ‘PAGASA Scholarship Program’ kasama ang PCC at Arellano.”

Kamakailan ay inilunsand ang PAG-ASA Scholarship Program na naglalayon na matulungan ang mga eligible first-year students sa mga private higher education institutions (HEIs) ar technical vocational institutions (TVIs) sa Pasig City.

Para sa detalye, bisitahin ang Pasig City Public Information Office Facebook page https://www.facebook.com/PasigPIO. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch