No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

SSS nagbigay saya sa mga pensioners sa Albay

Dagdag saya, kaalaman at serbisyo ang handog ng SSS sa 300 pensioners na dumalo sa SSS Pensioners’ Day sa lalawigan ng Albay.

Libreng nakapagpagupit, nakapagpacheck-up at nakapag-register ang mga kalahok habang ang iba naman ay umuwing dala ang napalunang premyo mula sa raffle at mga palaro.

Ayon kay SSS South Luzon-Bicol Chief Elenita Samblero, layunin ng pagdiriwang na malinang ang kaalaman ng mga pensioners ukol sa mga updates sa programa at serbisyo ng SSS lalo na ang pension loan program at digitalization.

‘’Ang loan na iyan, only half of the pension ang maaaring makaltas in a month, so kalahati (ng pension) ay matatanggap parin nila with minimal interest,’’ ani Samblero.

Kabilang ang SSS pension loan program at digitalization sa tampok na impormasyon na naibahagi ni SSS South Luzon-Bicol Chief Elenita Samblero sa SSS Pensioners’ Day sa lalawigan ng Albay.

‘’Sa digitalization lahat ng processes, claims, at online filing ay isasagawa, we need to embrace the technology para hindi na nila kailangan na pumila,’’saad niya.

Dagdag niya, kanilang napili na idaos ang pagdiriwang sa Albay upang magbigay saya sa gitna ng paga-alburuto ng Bulkang Mayon.

Binigyang-diin ni Samblero na sa kasalukuyan ay may 43 million members at 3.1 million pensioners ang SSS kaya’t mas epektibo ang paggamit ng teknolohiya upang maiwasan ang mahabang pila.

Aniya, kanilang inaasahan na maipapaaabot din ng mga kalahok ang kanilang natutunan sa kanilang mga pamilya lalo na sa mga kabataan.

FREE CHECK-UP: Libreng nakapagpagupit, nakapagpacheck-up at nakapag-register ang nasa 300 pensioers na dumalo sa SSS Pensioners' Day sa lalawigan ng Albay nitong Septyembre 8.

Isa sa nagpahayag ng kagalakan ang 60-year old new pensioner na si Romy Rafael Barcelon mula sa Barangay Bonot.

‘’First time ko na mag-attend sa ganito. Dumalo ako dito kasi gusto kong ma-experience ang mga ganitong gathering at gusto ko rin na malaman ang mga programa ng SSS para sa amin na mga pensioners,’’ saad ni Barcelon.

Pasalamat din si Antonio Rangasajo, 65, ng Barangay Pigcale na nakapag-avail siya ng medical check-up at consultation. (With reports from Cyryl L. Montales)

About the Author

Sally Altea

Writer

Region 5

"He provides. Everything is in His hands."

Information Center Manager of the Philippine Information Agency - Albay

 

Feedback / Comment

Get in touch