No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Dupax del Norte LGU, magpapatayo ng sariling Dialysis Center

Magpapatayo ng isang Dialysis Center ang Municipal Local Government Unit (MLGU) Dupax del Norte, Nueva Vizcaya upang tugunan ang pangangailangang libreng medical treatment sa mga dialysis patients. (Litrato mula sa Atty. TCayton FB Page)

DUPAX DEL NORTE, Nueva Vizcaya (PIA) - - Magpapatayo ng isang Dialysis Center ang Lokal na Pamahalaan ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya upang tugunan ang pangangailangang libreng medical treatment sa mga dialysis patients.

Ayon kay Mayor Timothy Cayton, nailatag na ng MLGU ang plano para sa pagpapatayo ng Dialysis Center sa ilalim ng kanilang Social Services Program para sa mga mamamayan.

Dagdag pa ni Cayton na ang Dialysis Center Project ay tugon sa dumaraming bilang ng mga pasyenteng nangangailangan nito sa bayan.

Ibinahagi ni Cayton ang balita sa isinagawang Family Day celebration sa Dupax del Norte kung saan dinaluhan ito ni Vice Governor Eufemia Dacayo na siyang panauhing pandangal.

Sa selebrasyon ng Family Day ng bayan, pinangunahan nina Cayton, Vice Governor Eufemia Dacayo, Vice Mayor Victorino Prado at mga miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) ang pagbibigay tulong pinansiyal sa mga  23 na dialysis patients.

Nagkakahalaga ng P5,000 ang tinanggap ng bawat isang dialysis patient mula sa pinalawak na Social Services Program ng MLGU.   

Namahagi rin ng tulong pinansiyal, bigas at iba pang gift packs ang lokal na pamahaalaan ng Dupax del Norte sa mga friends rescued, mga nagtapos ng 4Ps, abandoned/neglected children na dumalo sa  Family Day celebration nito. (MDCT/BME/PIA Nueva Vizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch