No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Magnitude 7 na lindol, eksena sa earthquake drill sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte, Setyembre 11 (PIA) – Isang magnitude 7 na lindol ang naging scenario sa pagsasanay sa isinagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Camarines Norte na idinaos sa SM City Daet, Setyembre 7.

Pinangunahan ito ng pamahalaang lokal ng bayan ng Daet sa pamumuno ni Mayor Benito Ochoa sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) bilang regional host sa Bicol ng NSED.

Magkakasabay din itong ginanap sa Montessori Children’s House of Learning, Inc., at sa Barangay Awitan, Daet na kung saan rumesponde din ang mga kaugnay na ahensiya.

Ayon kay OCD 5 Regional Director Claudio L. Yucot, chairperson ng RDRRMC Bicol, ang NSED ay bilang pagsasanay sa mga response agencies at makita ang reaksiyon ng mga mamamayan sakaling mayroong mangyaring lindol.

Ayon kay OCD 5 Regional Director Claudio L. Yucot, chairperson ng RDRRMC Bicol, ang NSED ay bilang pagsasanay sa mga response agencies at makita ang reaksiyon ng mga mamamayan sakaling mayroong mangyaring lindol, makapagbigay rin ng kamalayan at kaalaman na kailangan nating maghanda at magsanay kung mayroong pagyanig ng lupa sa pamamagitan ng duck, cover at hold na makakatulong sa ating kaligtasan. (PIA5/ Camarines Norte)

Ang pagsasanay ay hindi lamang upang sukatin ang kakayahan at kasanayan ng ating gobyerno sa pagresponde kundi para magbigay ng kamalayan sa publiko sa mga  dapat gawin kapag may lindol. 

Ito ay rin isang Tsunami Preparedness activity upang mapataas ang kasanayan ng mga residenteng nakatira sa may baybaying dagat at magkaroon ng kaalaman sakaling may pagyanig ng lupa at maagap na paglikas.

Kasama sa sumuporta ang mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) na mga regional directors at kinatawan mula sa Office of the Civil Defense (OCD), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Red Cross (PRC), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Information Agency (PIA) at Philippine National Police (PNP), PDRRMC at mga MDRRMC ng Camarines Norte.

Aniya, makapagbigay rin ng kamalayan at kaalaman ang naturang aktibidad dahil ang lindol ay isang natural phenomenon na wala pang instrumento na makapag bibigay ng tiyak at esksaktong araw o oras, d gaya ng =agyo na nalalaman kung ito ay paparating na.

Dahil dito, kailangan na maging handa at magsanay kung sakaling mayroong pagyanig ng lupa sa pamamagitan ng duck, cover at hold na makakatulong sa kaligtasan ng mamamayan kapag may lindol.

Sinabi naman ni Gobernador Ricarte R. Padilla na  mahalagang sa ganitong pagkakataon na magkaroon ng pagyanig ng lupa ay may kamalayan ang tao at alam nila ang mga dapat gawin.

Pinakaimportante at laging tatandaan  na iwasan ang mag panik sakaling may lindol upang maiwasan ang disgrasya lalo na ang mga hindi alam ang gagawin ayon sa gobernador.


Ayon kay Gobernador Ricarte R. Padilla, sa ganitong pagkakataon na magkaroon ng pagyanig ng lupa ay may kamalayan tayo at alam natin ang mga dapat gawin, pinakaimportante at laging tatandaan sa ating kaisipan na iwasan ang magpanik sakaling may lindol upang maiwasan ang disgrasya lalo na ang mga hindi alam ang gagawin. (PIA5/ Camarines Norte)

Ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ay ginaganap bawat kwarter o apat na beses sa isang taon.

Ito ay nagsimula noong 2010 alinsunod sa Philippine DRRM Act of 2010 na pinapangunahan ng NDRRMC. (PIA5/ Camarines Norte)


About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch