No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Metro Manila Council suportado ang implementasyon ng EO 39

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Sa pagpupulong ng Joint Metro Manila Council at Regional Development Council, Martes,Setyembre 12, inaprubahan ang MMDA Resolution No. 23-12 Series of 2023 na naghahayag ng buong suporta ng mga alkalde ng National Capital Region sa pagpapalabas at implementasyon ng Executive Order (EO) No. 39.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Atty. Don Artes na nanguna sa meeting, suportado ng Metro Manila mayors ang panawagan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maglagay ng price cap sa presyo ng bigas.

Sinimulan na rin ng pamahalaan ang pamamahagi ng P15,000 na ayuda sa mga kwalipikadong rice traders sa Metro Manila. Tuloy-tuloy itong gagawin basta kailangan lamang isinumite ang mga kinakailangan dokumento, saad ni Atty. Artes.

Base sa monitoring at pag-iinspeksyon ni San Juan City Mayor Francis Zamora, Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, at Pasay City Mayor Mayor Imelda Calixto-Rubiano sa mga palengke sa kanilang lungsod, compliant ang mga rice retailers sa EO 39 na ipinatupad noon Setyembre 5 na nagtatakda sa presyo ng regular milled rice na hindi lalampas sa P41 kada kilo, at well-milled rice na hindi lalampas sa P45 kada kilo.

Ayon sa mga alkalde, nagbigay na rin sila ng iba't ibang klaseng tulong sa mga rice retailers sa kanilang mga nasasakupan.

Sa San Juan at Caloocan, may karagdagang financial aid at libreng renta sa kanilang pwesto sa palengke; sa Pasay City at Malabon City, may livelihood assistance naman para sa mga retailer ng bigas.

Tinalakay din sa meeting ang Single Ticketing System, Metro Manila Flood Management Project, mga proyekto sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan, private sector, at iba pa. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch