No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Libreng sakay sa lingkod-bayan sa LRT-2 at MRT-3

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Sa pagdiriwang ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary, handog ng Department of Transportation (DOTr) at ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang libreng sakay para sa kawani ng gobyerno sa mga linya ng LRT-2 at MRT-3.

Ang libreng sakay ay mula Setyembre 18 (Lunes) hanggang sa Setyembre 20 (Miyerkules), sa mga sumusunod na oras:

  • 7:00 am hanggang 9:00 am
  • 5:00 pm hanggang 7:00 pm

"Kami po sa MRT-3 ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service. Ang handog naming LIBRENG SAKAY ay simpleng pasasalamat sa lahat ng mga sakripisyo ng bawat kawani ng gobyerno upang magampanan nang tapat at maayos ang kanilang mga tungkulin," saad ni DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

Kinakailangan lamang magpakita ng valid government ID upang makatanggap ng libreng sakay. (LRTA/DOTr/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch