LUNGSOD NG COTABATO (PIA ) -- Inanunsyo ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MBHTE-BARMM) na abot sa kabuuang 1,258,253 mag-aaral ang nakapag-enroll sa rehiyon ng Bangsamoro para sa School Year 2022-2023.
Ang nasabing bilang ay naitala sa mga pampublikong paaralan, kabilang ang mga Islamic school, at community learning centers sa rehiyon ng Bangsamoro.
Sa isang pahayag, sinabi ni MBHTE minister Mohagher Iqbal na ang nabanggit na bilang ay mas mataas kumpara noong nakaraang taon kung nasaan nakapagtala ang MBHTE ng abot sa 1,038,662 na enrollees.
Inilarawan naman ni Iqbal ang pag taas ng bilang ng mga enrollee ngayon taon bilang isang “enrollment milestone” dahil 17 porsyento ang itinaas nito.
Kauganay rito, patuloy rin ang ginagawang hakbang ng MBHTE upang mas marami pang kabataan ang mahikayat na mag-aral at matulungang matupad ang kanilang mga pangarap.
Ayon pa sa MBHTE, ipinatutupad din ng pamahalaan ng BARMM ang Matatag curriculum ng Department of Education (DepEd) sa rehiyon, ito ay sa kabila ng mga hamon sa pagbibigay sa mga guro at estudyante ng mga kinakailangang teknolohiyang pang-edukasyon, lalo na sa mga liblib na lugar sa rehiyon. (With reports from MBHTE-BARMM)