No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

28 fisherfolk association sa Romblon, tumanggap ng ayuda sa BFAR

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- May aabot sa 28 na fisherfolk association sa iba't ibang bayan sa Romblon ang tumanggap ng iba't ibang equipment para sa kanilang pangingisda mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Special Area for Agriculture Development (SAAD) Program.

Ilan sa mga gamit na ipinamigay ay ang sets ng drift grill nets, fish containers, at chest freezers.

Ayon sa BFAR SAAD Mimaropa, ang mga fisherfolk associations ay mula sa mga bayan ng Sta. Fe, Ferrol, San Andres, Magdiwang, at Cajidiocan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sherryl D. Montesa ng Provincial Fishery Office ng BFAR Romblon, layunin na maisiguro ang food safety ng mga harvested na isda sa probinsya.

"Since karamihan ng interventions ngayon ay post-harvest, ang food safety ng ating mga paninda or isda ay priority. Sa monitoring, kelangang visible na ginagamit talaga ito for fisheries," pahayag ni Montesa.

Pareho rin ang sentemento ni Engr. Al Fetalver ng Provincial Agriculturist Office.

"Dapat ang Romblon makilala rin bilang producing sector ng isda hindi lang sa livestocks at agriculture. Kaya ang mga binababa mula sa region papunta sa municipal level ay makatutulong sa inyo na mapaunlad ito at maging income niyo," pahayag ni Fetalver.

Inaasahan ng BFAR na mas mapapaunlad ang kalagayan ng mga mangingisda sa Romblon sa tulong ng mga interventions ng SAAD sa Romblon. (PJF/PIA Mimaropa - Romblon)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch