No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pag-iwas sa sakit dulot ng maruming tubig, payo ng DOH

DAET, Camarines Norte, Setyembre 15 (PIA) – Ipinayo ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) ang pag-iwas sa sakit dulot ng maruming inuming tubig sa isinagawang press conference ng DOH  sa Wiltan Hotel sa bayan ng Daet.

Sa pamamagitan ito ng pagbibigay kaalaman at impormasyon sa tinalakay na Food and Water Borne Diseases upang maiwasan ang sakit na diarrhea o pagtatae at iba pang kahalintulad na sakit.

Sa datus ng DOH, umabot na sa 444 ang naitalang kaso nito mula buwan ng Enero hanggang Agosto ngayong taon sa kabikulan.

Ayon kay Dr. Mildred Tianes, medical officer III, Infectious Disease Cluster ng DOH Bicol CHD, upang ito ay maiwasan, kailangan ng ligtas at malinis na tubig. Kung hindi nakakasiguro sa pinagkuhanan ng tubig,  pakuluan ito upang matiyak na ligtas na inumin. Kung mayroong water chlorination ay maaari naman itong gamitin.

Aniya, ingatan at takpan ang mga pagkain upang hindi ito malapitan o madapuan ng anumang insekto, hugasan at lutuing maayos ang mga pagkain.

Gawin ang tamang pagtatapon ng dumi at maayos na palikuran at linisin ito araw-araw, hugasang mabuti ang mga kamay gamit ang sabon matapos gumamit ng palikuran at bago kumain.

Panatilihin ang malinis na kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng langaw, insekto at daga na maaaring dumapo sa mga pagkain.

Samantala, hinikayat rin ng ahensiya ang mga hindi pa nababakunahan ng Bivalent COVID-19 vaccination upang maiwasan ang pagkahawa at pagkalat ng naturang sakit.

Sa datus ng DOH, 92.83% ang coverage rate ng nabakunahan ng kontra COVID-19 sa buong Bikol.

Praesent commodo cursus magna, vel scelerisque nisl consectetur et. Nullam id dolor id nibh ultricies vehicula ut id elit.

Isa ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 mula Enero hanggang Setyembre 11 ngayong taon sa Camarines Norte, 300 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan, 20 ang namatay habang 279 naman ang nakarekober sa naturang sakit ayon kay Dr. Raymond V. Luzarraga, provincial epidemiology and surveillance unit (PESU) officer ng Provincial Health Office (PHO). (PIA5/Camarines Norte)

Nanawagan ang DOH na tangkilikin ang mga generic na gamot dahil bukod na ligtas ito tulad ng branded na gamot ay dumadaan rin ito sa masusing proseso bago ilabas sa merkado.

Ayon kay Alexa Albao, pharmacist, Strategic Management and Health Facility Development Division ng DOH Bicol CHD, may sinusunod na presyo ang mga botika susog sa Drug Prices Referrence Index na makikita sa DOH website.

Inihayag naman ni Maite Denise Bobis, health program officer II ng DOH Bicol CHD ang mga health events ng ahensiya ngayong buwan ng Setyembre kabilang na ang World Leukemia Awareness Month, Prostate Cancer Awareness Month, Childhood Cancer Awareness Month, Blood Cancer Awareness Month at iba pang mga gawain.

Hinikayat naman ng DOH ang media na patuloy na magtulungan na maibahagi ang mga programa at aktibidad ng kagawaran para sa ikauunlad at ikabubuti ng kalusugan ng bawat Bikolano. (PIA5/ Camarines Norte)

Ayon kay Dr. Mildred Tianes, medical officer III, Infectious Disease Cluster ng DOH Bicol CHD, upang ito ay maiwasan ang diarrhea o pagtatae, kailangan ng ligtas at malinis na inuming tubig at panatilihin ang malinis na kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng langaw, insekto at daga na maaaring dumapo sa mga pagkain. (PIA5/ Camarines Norte)

Sa Camarines Norte, isa ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 mula Enero hanggang Setyembre 11 ngayong taon ayon kay Dr. Raymond V. Luzarraga, provincial epidemiology and surveillance unit (PESU) officer ng Provincial Health Office (PHO) ng Camarines Norte.

Sa naturang datus, 300 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan, 20 ang namatay habang 279 naman ang nakarekober sa naturang sakit.

Upang maiwasan ang pagkakahawa at pagkalat ng COVID-19, ang DOH katuwang ang mga lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders ay nagsasagawa ng Mass Bivalent COVID-19 vaccination bilang dagdag proteksiyon laban sa COVID-19 para sa mga target eligible population.

Ngayong buwan ng Setyembre naman ay selebrasyon ng Generics Awareness Month, ang kagawaran ay patuloy na sumusuporta sa pagtiyak ng abot-kaya at epektibong gamot para sa lahat.

Ayon kay Alexa Albao, pharmacist, Strategic Management and Health Facility Development Division ng DOH Bicol CHD, tangkilikin ang mga generic na gamot dahil bukod na ligtas ito tulad ng branded na gamot ay dumadaan rin ito sa masusing proseso bago ilabas sa merkado kung saan may sinusunod na presyo ang mga botika susog sa Drug Prices Referrence Index na makikita sa DOH website. (PIA5/ Camarines Norte)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch