No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BSP, naghatid ng impormasyon ukol sa salapi ng bansa

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) South Luzon Regional Office ang ‘BSP Information Caravan; Session for the Media and Information Officers’ na ginanap sa Cinema 1 ng Xentro Mall sa lungsod na ito noong Setyembre 19.

Ipinaalam ni Keith Eduard Hidalgo, Bank Officer V, ang kahalagahan at kung paano kilalanin ang salapi partikular ang bagong isanlibong piso-- ang kauna-unahang polymer banknote na may mga tampok at espesyal na simbolo upang malaman kung tunay o hindi ang pera gayundin sa mga barya.

Sinabi rin ni Hidalgo na ang mga lumang banknotes na punit, madumi o sinulatan ay maaari pang mapapalitan sa bangko. Ayon kay Hidalgo, huwag ng tanggapin ang mga ito sakaling ipambayad o isukli sa mga mamimili.

Samantala, pinaalala din ni Bank Officer II, Paulette Gay Menguilla sa ikalawang sesyon ng aktibidad ang mga maaaring idulot ng pakikipag-ugnayan sa mga gumagawa ng fraud at scam pati ang batas na Financial Consumer Protection Act o Republic Act 11765 (An Act affording more protection to consumers of official products and services).

Bukod dito, nalaman din ng mga mamamahayag sa nasabing sesyon ang adbokasiya ng BSP, tungkol sa currency management, mga tema ng bawat salapi at kung paano tugunan ang mga ‘fake news.’

Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga kawani ng Department of Trade and Industry (DTI) Oriental Mindoro, Social Security System (SSS), mga kapulisan, empleyado ng bangko at marami pang iba. (DPCN/PIA MIMAROPA - Oriental Mindoro)

Ipinapaliwanag ni Bank Officer V, Keith Hidalgo ang mga tampok na nilalaman ng bagong polymer banknote na ‘Sanlibong Piso’ sa isinagawang BSP Information Caravan na isinagawa sa Xentro Mall sa lungsod ng Calapan kamakailan. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA Mimaropa-OrMin)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch