No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PRC magsasagawa ng pagsusulit para sa mga nais maging CPA

LUNGSOD NG DAGUPAN (PIA) – Inanunsyo ng  Professional Regulation Commission (PRC) – Regional Office I  ang pagsasagawa ng tatlong araw na pagsusulit para sa mga nais maging Certified Public Accountants (CPA) nitong darating na Setyembre 30, Oktubre 1 at 2, 2023.
 
Ayon kay PRC Ilocos regional director, Atty. Arly  Sacay-Sabelo, nasa  196 ang kukuha ng pagsusulit na gaganapin sa Carmay Elementary School, Barangay Carmay East, Rosales, Pangasinan.
 
Sa araw ng eksaminasyon, inaatasan ang mga kukuha ng pagsusulit na dalhin ang kanilang Notice of Admission (NOA), isang pirasong metered-stamped window mailing envelope, mga lapis (No. 2), ball pens (itim na tinta lamang), isang pirasong mahabang brown na sobre, isang pirasong mahabang transparent na plastik na sobre para sa pag-iingat ng mga mahahalagang bagay at iba pang pinahihintulutang gamit, basic calculator, pagkain na nakalagay sa transparent na lalagyan, at inumin.
 
“Mahigpit na pinapayuhan ang mga examinees na basahin ang espesyal na panuntunan at advisory sa kanilang NOA, bisitahin at tingnan ang kanilang room assignment sa opisyal na website ng PRC: www.prc.gov.ph nang hindi bababa sa tatlo hanggang limang araw bago ang nakatakdang pagsusulit at i-download ang programa ng eksaminasyon upang magsilbi nilang gabay,” ani Sabelo.
 
Aniya para sa karagdagang impormasyon, ang mga kukuha ng pagsusulit ay maaaring makipag-ugnayan sa PRC sa pamamagitan ng email sa address na ro1.examination@prc.gov.ph. (JCR/AMB/RPM/PIA Pangasinan)

About the Author

Odie Mamaril III

Writer

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch